Medyo matagal tagal na rin akong nagbabasa dito pero bago pa lang po ako nag register. My name is Romel, from Tacloban City, Leyte. Matagal ko na po gusto pasukin ang printing business pero dahil may kamahalan ang mga equipments, hindi ko magawa. Ang nabili ko lang ay isang entry level na riso machine para sa sarili kong volume printing.
Ngayon, may kaibigan ako abroad na willing mag-invest sa akin. May isang printing press sa Taclobvan na nag-upgrade at ini-offer sa akin ang Thompson for P250,000 including the plate maker; one color at single phase ang line. Wala pa po akong sariling karanasan sa mga ganitong makina except sa nakakausap ko lang na mga nagmamay-ari ng heidelberg offset machine. Ano po ang masasabi nyo tungkol sa makina na Thompson. How about the price, reasonable na ba. Mga 1998 na model yata kung hindi ako nagkamali.
Meron naka-post sa Sulit, mura lang pero nasa Maynila, ang layo dito sa amin, at isa pa, nag-offer ang nagbenta ng service sa makina in case may trouble.
Need your advice, maraming salamat po.